BULACAN, Philippines – Bumaba sa 159.95 metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam nitong Martes ng alas-8 ng umaga, ayon sa PAGASA.
Mas mababa ito sa critical low level na 160 metro matapos mabawasan ng 0.76 metro ang tubig mula noong nakaraang araw.
Ang Angat Dam ang nagsusuplay ng humigit-kumulang 90% ng pangangailangan sa tubig ng Metro Manila.
Noong mga nakaraang taon, ang pagbaba ng tubig sa ilalim ng critical level ay nagdulot ng water interruptions sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga karatig-lugar.
Gayunman, sinabi na ang mga water concessionaire ay mayroon nang mga alternatibong pinagkukunan ng tubig, tulad ng Wawa Dam at Laguna de Bay, upang makatulong sa suplay kapag mababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na maaaring magsimulang tumaas ang lebel ng tubig sa ikalawa o ikatlong linggo ng Hulyo, dahil inaasahang magdadala ang Habagat ng mas madalas na pag-ulan sa Angat watershed.
Huling bumaba sa ilalim ng 160 metro ang lebel ng Angat Dam noong Hunyo at Hulyo 2019, sa panahon din ng El NiƱo. RNT/MDS