MANILA, Philippines – Nanawagan ang House prosecution team na hayaang maipakita muna ang lahat ng ebidensya sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago humusga ang publiko.
Ayon kay trial spokesperson at impeachment adviser Robert Ace Barbers, “The impeachment process exists for a reason. It is a constitutional mechanism designed to establish the facts through evidence presented before an impartial court.”
Dagdag pa niya, “The Filipino people should not be asked to decide based on slogans, speculation or social media campaigns. They deserve to hear the evidence first.”
Sinabi rin ni Barbers na mahalagang magpatuloy ang proseso ng impeachment nang walang hindi kailangang pagkaantala.
Hinikayat din ni Deputy Speaker Jay Khonghun ang publiko na hintayin munang marinig ang ebidensya ng magkabilang panig bago bumuo ng opinyon.
Ayon sa kanya, “Every Filipino has the right to form an opinion, but that opinion should be informed by the evidence presented before the impeachment court.”
Samantala, sinabi ni Deputy Speaker Paolo Ortega V na hindi dapat hadlangan ang proseso dahil mahalaga ring marinig ng taumbayan ang mga ebidensya.
Aniya, “Huwag nating hadlangan ang proseso. Ang ebidensya ay hindi lamang para sa impeachment court kundi para rin sa sambayanang Pilipino.”
Idinagdag pa niya, “Ang katotohanan ay nasa ebidensya. Ang desisyon ay nasa impeachment court. Hindi dapat mapalitan ng ingay o pulitika ang isang prosesong itinatag mismo ng ating Saligang Batas.”
Iginiit ng House prosecution panel na handa silang iharap ang kanilang ebidensya at igagalang nila ang magiging pasya ng Senate impeachment court. RNT/MDS