Home METRO High-value target, arestado sa Butuan; higit P3.4M tobats nasamsam

High-value target, arestado sa Butuan; higit P3.4M tobats nasamsam

5
0

AGUSAN DEL NORTE, Philippines – Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Caraga ang isang 41-anyos na high-value target sa isinagawang operasyon sa Barangay Agusan Pequeño, Butuan City noong Sabado.

Nasamsam sa suspek ang 505 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na ₱3.434 milyon.

Pinasalamatan ni PDEA-13 Regional Director Laurefel Gabales ang suporta ng iba pang law enforcement agencies, mga lokal na pamahalaan, at komunidad na naging mahalaga sa matagumpay na operasyon.

Hinikayat din niya ang mga sangkot pa sa iligal na droga na sumuko at samantalahin ang mga programa ng pamahalaan para sa rehabilitasyon at pagbabago.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here