Home NATIONWIDE Kilos protesta sa EDSA, walang permit; busway, naapektuhan – MMDA

Kilos protesta sa EDSA, walang permit; busway, naapektuhan – MMDA

4
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang permit at walang koordinasyon sa mga awtoridad ang pagtitipon malapit sa EDSA People Power Monument nitong Martes.

Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, isinara ang White Plains Avenue at pansamantalang naapektuhan ang operasyon ng EDSA Busway matapos umanong masakop ng ilang kalahok ang bahagi ng exclusive lane. Tanging ang northbound busway lamang ang nanatiling bukas sa naturang lugar.

Patuloy namang nagtatanggal ng mga sagabal at nagto-tow ang MMDA ng mga sasakyang nakahaharang sa daloy ng trapiko. Humingi rin ng paumanhin si Torre sa mga motorista at commuter na naapektuhan ng mabigat na trapiko.

Samantala, sinabi ni Quezon City Department of Public Order and Safety chief Elmo San Diego na mas maayos na ang sitwasyon sa lugar. Patuloy aniya ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at pulisya upang mailayo ang mga kalahok sa kalsada at maibalik sa normal ang daloy ng trapiko. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here