Home NATIONWIDE Senado, maglalaan ng 150 upuan para sa publiko sa impeachment trial ni...

Senado, maglalaan ng 150 upuan para sa publiko sa impeachment trial ni VP Sara

5
0

MANILA, Philippines – Maglalaan ang Senado ng 150 upuan para sa publiko sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, kahit limitado ang espasyo sa session hall.

Magsisimula ang paglilitis sa Hulyo 6, alas-2 ng hapon, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian matapos niyang inspeksyunin ang paghahanda para sa trial.

Aniya, nakatanggap ang Senado ng mga kahilingan mula sa mga civil society organization at sa kampo ng prosekusyon at depensa, kaya naglaan sila ng mga upuan para sa mga ito.

Ang mga nais manood ay kailangang magparehistro online sa Senate Visitor Management System. First come, first served ang magiging sistema dahil limitado lamang ang maaaring makapasok.

Pinayagan pa rin ang pagdalo ng publiko kahit ipinatutupad ang mas mahigpit na seguridad sa Senado.

Sa loob ng session hall, nakalaan din ang mga upuan para sa 24 senador na magsisilbing mga hukom sa impeachment trial.

Samantala, sinabi sa ulat na si Sen. Jinggoy Estrada ay kasalukuyang nakakulong kaugnay ng flood control scandal, habang si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay nagtatago matapos isyuhan ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs noong nakaraang administrasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here