Home METRO Suspek sa Zambo masaker, tinutugis ng pulisya

Suspek sa Zambo masaker, tinutugis ng pulisya

6
0

MANILA, Philippines – Tinutugis na ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang ina at tatlo nitong menor de edad na anak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Litapan, Josefina, Zamboanga del Sur.

Ayon kay PLT. Joselito Pamalaran, hepe ng Josefina Police, mayroon nang mga testigo at mga lead na sinusundan ang mga imbestigador upang mapabilis ang paglutas sa kaso.

Batay sa paunang imbestigasyon, umano’y may relasyon ang suspek sa 42-anyos na biktima na isang barangay health worker at madalas itong bumibisita sa kanilang bahay tuwing gabi. Lumabas din sa imbestigasyon na hindi umano sang-ayon ang mga anak ng biktima sa naturang relasyon.

Huling nakitang buhay ang mga biktima noong Sabado, Hunyo 27, dakong alas-8 ng gabi. Natagpuan silang wala nang buhay alas-7 ng umaga noong Lunes, Hunyo 29, matapos makatanggap ng ulat mula sa isang barangay kagawad.

Kabilang sa mga nasawi ang ina at ang tatlo nitong anak na may edad 16, 14, at 11.

Nagpahayag naman ng matinding pagdadalamhati ang lolo ng mga bata na si Marcelito Dumalte at nanawagan ng hustisya para sa kanyang pamilya. Inihayag din niya na matagal na umanong pinaghihinalaan ng pamilya ang itinuturong suspek dahil tuwing bumibisita ito sa bahay ng mga biktima ay nakatakip ang mukha at halos balot ang buong katawan.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen at madakip ang pangunahing suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here