Home NATIONWIDE Bagong US envoy, tinanggap ni PBBM

Bagong US envoy, tinanggap ni PBBM

3
0

MANILA, Philippines – Pormal na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes ang bagong itinalagang United States Ambassador to the Philippines na si Lee Lipton matapos nitong iharap ang kanyang credentials sa Malacañang.

Ayon sa Palasyo, tinalakay nina Marcos at Lipton ang mga pangunahing usapin sa kooperasyon ng dalawang bansa, kabilang ang ugnayang pang-ekonomiya, depensa at seguridad, maritime affairs, mga pangyayari sa rehiyon, at ang nalalapit na pagiging chair ng Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ipinahayag din ni Marcos ang pag-asang lalo pang mapalalawak ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang kooperasyon sa larangan ng estratehiya, ekonomiya, at people-to-people initiatives.

Dumating si Lipton sa Maynila noong Hunyo 28 kapalit ni dating U.S. Ambassador MaryKay Carlson.

Bago italaga sa Pilipinas, nagsilbi siyang chief of staff ng U.S. Mission to the Organization of American States (OAS), kung saan tumulong siya sa pangunguna ng Estados Unidos sa pagtugon sa mga isyung panseguridad sa rehiyon, kabilang ang sitwasyon sa Haiti at mga hakbang laban sa malign foreign influence sa Western Hemisphere.

Kinumpirma ni U.S. President Donald Trump ang nominasyon ni Lipton noong Mayo. Matapos ang kanyang nominasyon, sinabi ni Lipton na kabilang sa kanyang mga prayoridad ang pagpapalakas ng Philippine-U.S. security cooperation, pagpapahusay ng supply chains, pagsusulong ng Luzon Economic Corridor initiative, at pagtataguyod ng patas at transparent na kalakalan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here