Home NATIONWIDE Senado handa na sa VP Sara impeachment trial

Senado handa na sa VP Sara impeachment trial

2
0

MANILA, Philippines – Handa na ang Senado para simulan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hulyo 6, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian nitong Martes.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag matapos inspeksyunin ang Senate plenary hall at iba pang tanggapan na gagamitin sa paglilitis.

“We’re very prepared. In fact, today will be the physical inspection and then we’ll continue to improve as we go along,” pahayag ni Gatchalian sa mga mamamahayag.

Sinabi rin niyang nasa tamang iskedyul ang paghahanda sa kabila ng limitadong espasyo.

“On track. And kahit na maliit yung space. At least naayos na natin, naayos na natin yung space,” aniya.

Inaasahan ding magsasagawa ng sariling inspeksiyon ang prosecution at defense panels sa loob ng linggong ito.

Ayon sa Senado, tatanggap ito ng hindi bababa sa 150 bisita bawat araw sa pamamagitan ng Visitor Management System batay sa first-come, first-served basis.

Gaganapin ang mga pagdinig tuwing Lunes hanggang Miyerkules, alas-2 ng hapon, simula Hulyo 6. Matapos ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 28, ililipat ang iskedyul ng mga pagdinig sa Martes hanggang Huwebes sa parehong oras.

Nagtipon ang Senado bilang impeachment court noong Mayo 18. Nahaharap si Duterte sa mga reklamong culpable violation of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, at iba pang high crimes na isinampa ng House of Representatives. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here