Home OPINION WE ARE ONE VS WHITE RIBBON

WE ARE ONE VS WHITE RIBBON

4
0

NITONG linggo, sinabi ng isang pari o lider-simbahan na inimbitahan nila ang Iglesia ni Cristo o INC na sumali sa kanilang rally na pinangunahan ng grupong White Ribbon.

Kahapon naman, inimbitahan ng grupong We Are One na pangunahing inorganisa ng INC ang lahat, kasama ang mga nasa Simbahang Katolika, para sa kanilang rally.

Lumitaw na hindi sumama ang INC sa rally ng White Ribbon bagaman hindi nito pinigilan ang sinomang miyembro nila na sumali.

Habang tinitipa natin ito, lumilitaw ring walang mga kilalang lider sa White Ribbon ang sumali sa We Are One.

Partikular na sangkap ng White Ribbon ang pagharang ng mga militante rito sa Duterte Diehard Supporters na sumali.

Wala namang nakitang ganitong pag-reject sa anomang grupo sa grupo ng We Are One.

NILANGAW VS DINAGSA

Itinuturing ng iba na nilangaw ang White Ribbon rally samantalang dinagsa naman ang We Are One rally.

Nakaipon lang umano ng 3,000 raliyesta ang White Ribbon habang mahigit nang 10,000 ang tinatayang dumalo sa para sa We Are One dakong alas-12:00 ng tanghali.

Hindi nagtagal sa lansangan ng EDSA ang mga raliyesta sa White Ribbon habang lahat ng awtoridad ay nagsabing walang nakatitiyak kung kailan magwawakas ang sa We Are One.

Dito makikita ang nasa likod ng mga ipinaglalabang prinsipyo at seryosong pagkapit dito.

Halos may pagkakapareho ang mga lumalabas na ipinaglalaban ng dalawang grupo gaya ng Transparency and Accountability sa gitna ng matinding korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Subalit may pagkakaiba sa kung kanino itinutuon ang pansin o ngitngit kung hanggang saan hahantong ang lahat sa usaping paghawak sa poder.

LUBOS NA PAGKAKAISA ANG KAILANGAN

Kapag manatiling hati ang sambayanan, maging sa pagpapakita ng kanilang pwersa hindi lang sa panahon ng halalan kundi sa iba pang panahon na kinakailangan ito, naririyan ang posibilidad na mabibigo ang lahat sa mga pangunahin nilang kagustuhan.

‘Yun bang === mabigbigo silang maipaglaban sa tamang panahon ang katotohanan sa bisa ng Transparency, pagpapanagot sa mga korap sa ilalim ng Accountability at ganap na pagwawakas ng labis na pang-aabuso sa kapangyarihan.

May labis na pang-aabuso sa kapangyarihan kung sa mga panahong isinusulong ang Transparency at Accountability ay iba ang pinanagot sa mga dapat na managot, partikular ang hindi pagpapanagot sa mga nasa likod ng pinakamalalaki at male-maletang kikbakan sa kaban ng bayan.

‘DI LANG SA ISIP KUNDI SA GAWA

Kung iisipin, marami ang nakikiisa sa mga kilusan para sa ganap at tunay na pagbabago.

Ang malungkot, hanggang isip lang ang marami at ang isip kung walang gawa ay walang saysay.

Katumbas ito ng doktrina na rin sa Bibliya na “Faith withour works is dead.”

Kapag hindi lumabas ng bahay o opisina at hindi sasama sa mga kumikilos sa mga lansangan ang naniniwala na dapat may pagbabago na at sa social media o pagdarasal lang sila makikiisa, babagsak at walang tiyak na patutunguhan ang anomang kilusan para sa tunay na pagbabago.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here