Home NATIONWIDE Balut Island, Sarangani, niyanig ng M-5.4 na aftershock

Balut Island, Sarangani, niyanig ng M-5.4 na aftershock

5
0

MANILA, Philippiens – Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang timog-silangang bahagi ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental dakong alas-5:34 ng madaling-araw ng Miyerkoles, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, ang pagyanig ay isang aftershock ng magnitude 7.8 Offshore Sarangani at magnitude 6.5 Offshore Davao Occidental earthquakes na naganap noong Hunyo 8, 2026.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol at naitala ito sa lalim na 10 kilometro.

Naramdaman ang pagyanig sa Intensity IV sa Kiamba, Sarangani, at Intensity I sa General Santos City.

Ayon sa PHIVOLCS, maaaring magkaroon ng pinsala dahil sa lindol ngunit wala itong inaasahang kasunod na aftershocks. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here