Home ENTERTAINMENT Xian, titigilan na daw si Alden!

Xian, titigilan na daw si Alden!

1
0

Manila, Philippines – Nangako si Xian Gaza na lulubayan na niya si Alden Richards–putting an end to his attacks.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng tinaguriang Pambansang Marites ang kanyang dahilan–isang tawag mula sa kaibigan.

Ani Xian, gabi daw nitong October 27, Martes, habang nagpapa-massage ay tinawagan siya ng isang malapit na kaibigan for eight years.

Sabi niya, may umaarbor daw kay Alden.

“Baka daw puwede ko nang tigilan at ibalato na lang sa kanila,” post ni Xian.

Marami pala ang naitulong ng kaibigan niyang ‘yon sa kanya–hence his decision to stop attacking Alden.

Binanggit ni Xian ang naitulong ng taong ‘yon noong 2024 in the form of a project na pinagkakitaan daw ni Xian nang P6M.

Bukod dito’y nirerespeto daw ni Xian ang tiyuhin nito: “Okay, I will stop from here at kawawa din naman ‘yung tao.”

Gagawin daw ‘yon ni Xian out of respect for their friendship at paggalang na din daw sa uncle nito: “I will honor my word.”

Bilang “kapalit” ni Alden ay ibang tao na lang daw ang babanatan ni Xian–na ayon sa kanya’y isang bading na “serial groomer, predator, with multiple counts of sexual harassment, physical harassment and many more.”

May babala pa si Xian para sa mga taong may traumatic history–na huwag daw panoorin ang kanyang exposè.

Huwag panoorin o huwag paniwalaan? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here