Home METRO 8 at 12-anyos hinigop ng river dam sa Bataan

8 at 12-anyos hinigop ng river dam sa Bataan

3
0

BATAAN – Dalawang batang lalaki ang iniulat na nasawi matapos malunod nang tangayin umano ng malakas na agos ng tubig sa isang river dam sa Barangay Culis, Hermosa.

Sa inisyal na ulat, ang mga biktima ay isang walong (8) taong gulang at isang labindalawang (12) taong gulang na batang lalaki na kapwa residente ng Sitio Maligaya, Barangay Culis, Hermosa.

Nabatid sa ulat na pasado alas-2:00 ng hapon nitong Martes, sa kasagsagan ng pag-ulan, naliligo ang mga biktima sa Gasak River Dam kasama ang isa pang bata nang hindi umano sinasadyang tangayin ng malakas na agos ng tubig at mapadpad sa malalim na bahagi ng ilog.

Nagawa umanong makaligtas ng isa sa kanila at makahingi ng tulong, kaya nakatawag ng rescue team upang iligtas ang dalawa.

Natagpuan ng mga rescuer ang mga biktima at isinailalim sa cardiopulmonary resuscitation (CPR) bago isinugod sa pagamutan, ngunit kapwa rin binawian ng buhay kalaunan. Roel Tarayao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here