Home ENTERTAINMENT Kapatid ni Echo, nahanap na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kapatid ni Echo, nahanap na!July 1, 2026 15:4020 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Lumutang na ang dating aktor at nakababatang kapatid ni Jericho Rosales na si Jeremiah matapos mawala nitong June 21.Umalis si Jeremiah sa kanilang bahay sa isang subdivision sa Antipolo City.Tinakasan niya ang mga sumundong staff ng isang rehab facility sa Batangas.Pero natunton din ang kanyang kinaroroonan.Ayon sa isang kamag-anak, nagtungo si Jeremiah sa Bicol para magtago.Ayaw niyang magpa-rehab, taliwas sa gustong mangyari ng kanyang Kuya Echo at ng asawa nitong si Jhen Go.Ayon kay Jhen, supposed to be ay Father’s Day gift pa ni Echo kay Jeremiah ang pagdadala rito sa rehab facility.Noong 2024 ay galing na pala sa isang private rehab si Jeremiah sa Pasig City.Hindi raw niya tinapos ang programa na ang buwanang bayad ay sagot ni Echo.Ayon pa kay Jhen, nabarkada uli ang kanyang asawa.Puro inom din daw ito, hindi natutulog at hindi kumakain, at bumalik sa paggamit ng shabu.Tumakas si Jeremiah gamit ang kanyang motorsiklo para maiwasang dalhin muli sa rehab.Aminado si Jhen na ikinadismaya ni Echo ang pagtakas ng kapatid.Ronnie Carrasco III