Home NATIONWIDE Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

5
0

MANILA, Philippines – MAGDUDULOT ang southwest monsoon o habagat ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa Palawan at Occidental Mindoro ngayong Huwebes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ng flash flood at landslide sa mga apektadong lugar.

Magkakaroon din ng mga pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Tawi-Tawi, at Antique dahil sa habagat.

Samantala, makararanas din ang nalalabing bahagi ng bansa ng mga pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms dulot ng easterlies at localized thunderstorms.

Ayon pa sa PAGASA, makararanas ang kanlurang bahagi ng Luzon ng katamtaman hanggang malakas na hangin at katamtaman hanggang maalon na karagatan, habang mahina hanggang katamtaman ang hangin at bahagya hanggang katamtaman ang taas ng alon sa iba pang bahagi ng bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here