Home NATIONWIDE Marcoleta, kumpiyansang mababasura lang plunder case laban sa kanya

Marcoleta, kumpiyansang mababasura lang plunder case laban sa kanya

6
0

MANILA, Philippines – KUMPIYANSA si Sen. Rodante Marcoleta na ibabasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban sa kanya sakaling ituloy ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa nito.

Nauna nang sinabi ng Ombudsman na ang reklamo ay nag-ugat sa umano’y kabiguan ni Marcoleta na ideklara ang P75 milyong campaign contributions sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) at Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Sa panayam sa state-owned Russia Today, iginiit ni Marcoleta na walang legal na batayan ang reklamo.

“This is a fabricated charge. It is not even within the meaning and parameters of our plunder law. Our plunder law is about amassing ill-gotten wealth. It’s a serious crime. It is not about, you know, getting election financial support from friends,” anang senador.

“That is why I am quite sure that this particular charge, if they will pursue it, will be junked by the court in due time,” dagdag pa niya.

Ayon kay Marcoleta, natanggap niya ang mga donasyon mula kina dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Espiritu at Aristotle Viray bago magsimula ang campaign period para sa 2025 elections. Aniya, legal ang mga ito, naideklara nang maayos, at nabayaran ang kaukulang donors’ tax.

“My donors even paid the donors’ tax. And these are all legal. And these were all reported.”

“They are private funds and they have nothing to do with ill-gotten wealth.”

Iginiit din ng senador na pinupuntirya siya dahil sa kanyang imbestigasyon sa umano’y flood control scandal at upang mapigilan siyang makalahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa ikalawang araw ng rally ng Iglesia ni Cristo sa EDSA, sinabi ni Marcoleta na handa siyang maaresto kung kinakailangan.

“Nakahanda po akong magpakulong. Kung kinakailangang maaresto po ako wala pong problema. Kung ito po ang kabayarang hinihingi para ipagtanggol ko ang katarungan at ang pambansang kagalingan at ang interes ng mamayang Pilipino.”

Samantala, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na maaaring pumasok sa saklaw ng plunder ang pagtanggap ng komisyon, regalo, o kickback, at iginiit na hindi idineklara ni Marcoleta ang natanggap niyang halaga. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here