Home HOME BANNER STORY Umangat pa sa laylayan: Pinas, upper middle-income economy na

Umangat pa sa laylayan: Pinas, upper middle-income economy na

4
0

MANILA, Philippines – OPISYAL nang kabilang ang Pilipinas sa mga upper middle-income economy, ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) matapos iangat ng World Bank ang income classification ng bansa.

Sa ilalim ng pamantayan ng World Bank para sa fiscal year 2026, na nagsimula noong Hulyo 1, kabilang sa upper middle-income economies ang mga bansang may Gross National Income (GNI) per capita na nasa pagitan ng $4,496 at $13,935. Naabot ng Pilipinas ang itinakdang antas matapos maitala ang 2024 GNI per capita na $4,470.

Malugod na tinanggap ni Finance Secretary Frederick Go ang bagong klasipikasyon at sinabing patunay ito ng epekto ng mga repormang ipinatupad ng pamahalaan.

“The Philippines’ transition to an upper middle income country is an affirmation of the reforms and policies that the government has consistently pursued to strengthen our economy and to create more opportunities for our people.”

Ayon kay Go, kailangan pang ipagpatuloy ng pamahalaan ang mga reporma upang mas maraming Pilipino ang makinabang sa pag-unlad ng ekonomiya. Aniya, wala namang kaakibat na partikular na insentibo ang bagong income classification, ngunit isa itong palatandaan ng pagbuti ng kalagayan ng ekonomiya.

Inamin din niya na maaaring mawalan ang bansa ng ilang uri ng foreign aid at official development assistance na nakalaan para sa mga lower middle-income economies.

“That’s part of growing up. We’ve been aware from day one that when we move from a lower middle income to an upper middle economy, there are some things you have to give up.”

Dagdag pa ni Go, ang bagong klasipikasyon ay sumasalamin sa pagtaas ng wealth per capita ng bansa bunsod ng paglikha ng trabaho, pagpasok ng mas maraming foreign investments, at patuloy na pagpapatupad ng mga reporma.

“For you to reach upper middle classification, that actually means that the population has increased in wealth per capita. That’s what it means. It means more Filipinos have improved wealth classification by global standards.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here