Home NATIONWIDE BPI, pinalawak libreng deposit at withdrawal sa mga grocery at tindahan

BPI, pinalawak libreng deposit at withdrawal sa mga grocery at tindahan

3
0

MANILA, Philippines – PINALAWAK ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang serbisyo nito na nagpapahintulot sa mga kliyente na magdeposito at mag-withdraw ng pera nang walang bayad sa mga cashier ng partner supermarkets, convenience stores, pharmacies, pawnshops, at department stores gamit ang barcode na nabubuo sa BPI app.

Mahigit 1,300 partner branch sa buong bansa ang kabilang sa programa, na pinalawak mula sa dati nitong withdrawal at account opening services. Nakipagpartner din ang BPI sa mahigit 7,000 tindahan kung saan maaaring magbukas ng bank account at mag-apply ng credit card sa tulong ng mga cashier na sinanay ng bangko.

Ayon kay BPI President TG Limcaoco, layunin ng programa na mabawasan ang dagsa ng transaksyon sa mga branch ng bangko.

“The idea is we decongest the branches. 50 percent of transactions in branches are still deposits and withdrawals.”

Sinabi naman ni BPI Agency Banking Head Rally Jereza na mas magiging madali at mas abot-kamay ang banking services, kabilang ang mas mahabang oras ng serbisyo sa mga partner convenience store na bukas 24 oras.

“Everywhere you go, we embed ourselves into your daily life so banking is not a chore anymore, it’s part of your daily lives.”

Makikinabang din ang overseas Filipino workers (OFWs) dahil maaari silang magpadala ng pera sa kanilang pamilya nang walang remittance fee sa pamamagitan ng barcode na maaaring gamitin sa pag-withdraw.

Pinuri naman ni Finance Secretary Frederick Go ang programa at ang desisyon ng BPI na alisin ang bayarin sa InstaPay at PESONet transfers.

“We only need one major player to move first. And the market follows. Today, we have two, Landbank and BPI. So we are building a more inclusive digital economy and a financial system where every Filipino can participate and benefit.”

Ayon sa BPI, palalawakin pa nito ang pakikipagpartner sa iba pang establisimyento habang mananatiling bukas ang mga physical branch at ATM nito. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here