Home NATIONWIDE Sen. Risa tutol sa pagpapababa sa criminal liability age

Sen. Risa tutol sa pagpapababa sa criminal liability age

2
0

MANILA, Philippines – Tutol si Senator Riza Hontiveros sa pagpapababa ng minimum age of criminal responsibility para sa mga bata na nasasangkot sa mga karahasan o krimen.

Sa kabila nito, ayon kay Hontiveros, sang-ayon siya na dapat i-review at i-evaluate at kung kinakailangan ay amyendahan para palakasin ang Juvenile Justice and Welfare Act lalo na sa mga usapin ng pagmamandato at pagsuporta sa mas komprehensibo at epektibong interbensyon at diversion programs sa mga children with the conflict of the law.

Ayon kay Hontiveros kasama rito yung mga nakakagawa ng heinous crimes sa mga kapwa bata tulad sa Tacloban.

“And always, always base on the principles pa rin na best interest of the child”, dagdag pa ni Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros na kapag muling sinilip ang nasabing batas, dapat aniya ay pataas ang edad at hindi ang pagpapababa.

Kailangan din aniyang tignan at ang magiging epekto sa mga bata at may mga dapat na ikonsidera lalo na kapag sila ay idedetine na kasama ng mga matatanda.

“Halimbawa ikukulong sila kasama ang mga adults, lalo lang silang maturuan ng mali”, dagdag pa ng senador sa Kapihan sa Manila Prince. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here