Home METRO Poultry farm sa Cagayan nasunog

Poultry farm sa Cagayan nasunog

3
0

CAGAYAN, Philippines – Nasunog ang isang air-conditioned poultry farm sa Barangay Nangalisan, Solana, Cagayan nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang sunog bandang 6:30 a.m. sa Maristel Poultry House at tuluyang naapula dakong 8:15 a.m.

Paunang imbestigasyon ng pulisya ang nagsasabing posibleng faulty electrical wiring ang naging sanhi ng sunog.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa insulation foam at plastic slats ng gusali.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here