ZAMBOANGA DEL SUR, Philippines – Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin at holdapin sa Barangay Tickwas, Dumalinao, Zamboanga del Sur noong Hulyo 1.
Kinilala ang biktima na si Police Patrolman Armejo Jornadal, miyembro ng 2nd Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company.
Ayon sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo si Jornadal pauwi matapos ang isang loan transaction nang lapitan siya ng dalawang lalaking sakay rin ng motorsiklo at pagbabarilin.
Nasawi si Jornadal sa lugar. Tinangay rin ng mga suspek ang kanyang dalang pera bago tumakas.
Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya upang matukoy at maaresto ang mga salarin. RNT/MDS