MANILA, Philippines – Sinabi ng Office of the Ombudsman na gagamitin ang testimonya ng walong dating bodyguard ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa kasong inihahanda laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, pare-pareho at malinaw ang mga salaysay ng walong dating bodyguard tungkol sa umano’y mga cash delivery kay Romualdez.
Gayunman, sinabi ni Clavano na hinihintay pa ng Ombudsman na pirmahan ni Atty. Levito Baligod, abogado ng walong indibidwal, ang kanilang mga sinumpaang salaysay.
Aniya, kinakailangang malagdaan muna ang mga affidavit bago magamit bilang ebidensya sa inihahandang kaso. RNT/MDS