MANILA, Philippines – Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na nagdiriwang ng kanyang ika-siyamnapu’t pitong kaarawan, ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 2.
Sa kanyang taos pusong mensahe ng kaarawan, pinuri ng Pangulo ang “extraordinary life” ng kanyang ina.
Sa isang social media post, ang birthday wish ng Pangulo sa kanyang ina ay mas marami pang taon na makasama pa nila ito.
“Few are blessed with the gift of celebrating 97 years. Fewer still are blessed to spend them surrounded by children, grandchildren and great-grandchildren who continue to draw strength from your love and guidance,” ang sinabi ng Pangulo.
“You have lived an extraordinary life. One that has witnessed history, shaped our family and left an indelible mark on our nation. Through decades of public service, you touched lives in ways that continue to be remembered,” aniya pa rin.
Inilarawan naman ng Pangulo ang dating Unang Ginang bilang “puso” ng kanilang pamilya at “the best Mum” na maaari nilang hilingin pa.
Sa kabilang dako, sa hiwalay na post, binati naman ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang kanyang biyenan na si Unang Ginang Imelda o “Mama Meldy” sa kaarawan nito (KRIS JOSE)