Home METRO Pamilya Baterbonia bumisita sa Aurora kung saan nalunod si Rene

Pamilya Baterbonia bumisita sa Aurora kung saan nalunod si Rene

3
0

LINGAYEN, Pangasinan — Bumisita nitong Miyerkules, Hulyo 1, sa Dipaculao, Aurora ang pamilya ng Ateneo de Manila University basketball player na si Rene Clert Baterbonia, halos isang buwan matapos siyang malunod doon kasama ang teammate na si Divine Adili habang nasa team-building activity noong Hunyo 8.

Sa mga larawang ibinahagi sa Facebook ng Municipal Information Office ng Talacogon, Agusan del Sur, makikita ang mga magulang ni Baterbonia na sina Rene Sr. at Rovelyn, kasama ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Rubeyan, habang nakatanaw sa dagat kung saan nalunod ang 2025 Palarong Pambansa boys’ basketball MVP. Nag-alay din ang pamilya ng mga bulaklak sa shoreline bilang paggunita sa kaniya.

Nag-post din ang nakatatandang kapatid ni Baterbonia na si Rubeyan ng mga larawan ng resort sa Aurora kung saan siya nanatili.

Umani ng simpatiya mula sa netizens ang pagbisita ng pamilya, kasabay ng pag-asang makatagpo sila ng lakas at ginhawa mula sa pagmamahal at mga alaalang iniwan ni Baterbonia.

Patuloy ding nananalangin ang netizens para sa hustisya para kay Baterbonia habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaniyang pagkamatay. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here