Home NATIONWIDE Pilgrimage walk idaraos sa pagsisimula ng impeachment trial

Pilgrimage walk idaraos sa pagsisimula ng impeachment trial

14
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng pilgrimage walk ang Catholic movement na Clergy for Good Governance para manawagan ng katotohanan at katarungan sa paligid ng Senado sa Sabado ng umaga, bago magsimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa mga pari, ang aktibidad na pinamagatang “A Jericho Walk for Truth and Justice” ay magsisimula sa ganap na ika-7 ng umaga na may “isang panalanging pag-ikot sa Senado, na tatagal ng humigit-kumulang 30 hanggang 45 minuto, na may mga sandali ng pagbasa ng Banal na Kasulatan, katahimikan, at pagninilay sa daan.”

“Inspired by the story of Jericho, Kingdom Keepers and Clergy for Good Governance invite people of faith and goodwill to a prayerful pilgrimage around the Senate, trusting that truth and justice will prevail through conscience, constitutional duty, and peace,”ayon sa kanilang Facebook post.

Idinagdag nito na bukas ang aktibidad sa anumang relihiyon o political affiliation.

Hinikayat din nito ang mga dadalo na magdala ng tubig, sumbrero, at magsuot ng komportableng sapatos o kayumangging kasuotan.

Pangungunahan din ang programa ng Kingdom Keepers, isang koalisyon ng mga simbahang Katoliko, Evangelical, at mainline Protestant at ng mga indibidwal.

Sinabi ng mga pari na idarasal sa pilgrimage walk ang “pitong biyayang kailangan ng ating bansa”na kinabibilangan ng katotohanan, katarungan, tapang, integridad, pananagutan, paghilom, at pag-asa.”

Magsisimula ang matagal nang inaabangang paglilitis sa pangalawang Pangulo sa Hulyo 6, Lunes, kung saan pinahaharap siya ng Senate impeachment court.

Sinabi naman ni Senate Sergeant-at-Arms Ret. Maj. Gen. Alfred Corpus noong Biyernes na handa na ang seguridad ng Senado para sa mga pagdinig. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here