MANILA, Philippines – Nagpalabas ng pahayag ang kampo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa alok na P50 milyon pabuya ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa sinumang makakapagbigay ng impormayson upang mahuli ang dating hepe ng pulisya sa panahon ng drug war.
Walang komento din ang ibinahagi ni Atty. Israelito Torreon sa “isang linggong” ultimatum ng Philippine National Police (PNP) sa pagsuko ni Dela Rosa na haharap sa warrant of arrest na ipinalabas ng International Criminal Court (ICC).
Isa si Bato sa ilang dating opisyal ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nasasakdal sa kasong crimes against humanity na nililitis ngayon sa The Hague.
“Sa lahat po ng nagrerequest ng Comment sa kampo ni Senator Ronald Dela Rosa tungkol sa 1 week ultimatum Kay Sen. Dela Rosa para sumuko at ang P50M pabuya para sa makapagturo sa kaniya,” ayon kay Torreon.
“Ito po ang aming Comment: No Comment.”
Isa si Dela Rosa na pinangalanan bilang co-conspirator ng ICC sa madugong drug war na ikinamatay ng mahigit 30,000 indibiduwal kasama ang maraming inosenteng menor de edad tulad ni Kian Delos Santos. Ernie Reyes