Home NATIONWIDE Bam umano ng suporta sa pinakamalaking network ng microfinance institutions

Bam umano ng suporta sa pinakamalaking network ng microfinance institutions

2
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang pinakamalaking network ng microfinance institutions sa bansa kay Senador Bam Aquino sa pagbabalik nito bilang chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, bilang pagkilala sa kanyang matagal nang pagsusulong ng pagnenegosyo at financial inclusion.

Sa isang pahayag na nilagdaan nina Chairperson Eduardo Jimenez at Executive Director Allan Sicat sa ngalan ng Board of Trustees, sinabi ng Microfinance Council of the Philippines, Inc. (MCPI) na mahigpit silang makikipagtulungan kay Aquino sa pagsusulong ng mga polisiyang magpapalawak ng mga oportunidad sa ekonomiya at magpapalakas sa kabuhayan ng mga microentrepreneur.

“For many years, we have worked alongside Filipino families striving to build better lives through small businesses, hard work, and determination. We have seen how access to opportunities, capital, training, and supportive policies can help transform the lives of microentrepreneurs, especially the countless nanays who work tirelessly to provide for their families and strengthen their communities,” wika ng MCPI.

Idinagdag ng MCPI na ang pagbabalik ni Aquino sa komite ay magandang pangyayari para sa sektor na nagbibigay ng serbisyong pinansyal at pagpapaunlad ng negosyo sa milyun-milyong Pilipinong mababa ang kita.

Kinilala rin ng grupo ang mahalagang papel ni Aquino sa pagsusulong ng mahahalagang batas tulad ng Go Negosyo Act at ng Microfinance NGOs Act, na anila ay nakatulong sa paglikha ng mas angkop na kapaligiran para sa mga microentrepreneur at sa mga organisasyong sumusuporta sa kanila.

“It is for this reason that we deeply appreciate Senator Bam’s longstanding commitment to entrepreneurship and financial inclusion,” wika pa ng grupo.

Sa pagbabalik ni Aquino sa Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, na kanya ring pinamunuan noong 16th Congress, umaasa ang MCPI na ang mas matibay na pagtutulungan ng pamahalaan, civil society, at pribadong sektor ay higit pang magbibigay-lakas sa maliliit na negosyante, na may mahalagang ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

Nangako rin ang organisasyon na ipagpapatuloy ang pakikipagtulungan kay Aquino sa pagbuo ng mga polisiyang magpapalawak ng access sa mga oportunidad sa ekonomiya upang mas marami pang pamilyang Pilipino ang makinabang sa pag-unlad ng bansa.

Itinuturing na pinakamalaking network ng microfinance institutions sa Pilipinas, ang MCPI ay may kasaping 59 institusyon, kabilang ang 50 regular members at siyam na support institutions, na kumakatawan sa tinatayang 80 hanggang 90 porsiyento ng aktibong outreach ng sektor ng microfinance sa bansa. Noong Disyembre 2025, umaabot sa 15 milyong aktibong kliyente ang pinaglilingkuran ng MCPI.

Nagbibigay ang mga microfinance institution ng mga pautang na may mababang interes para sa maliliit na negosyante at mga pamilyang Pilipinong mababa ang kita, upang matulungan silang mapabuti ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng pagsisimula o pagpapalawak ng kanilang hanapbuhay. May malawak din silang presensya sa mga lugar na hindi pa ganap na naaabot ng mga tradisyunal na bangko.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang MFIs ay makikita sa 92 porsiyento ng mga local government unit noong ikalawang quarter ng 2024, kumpara sa 71 porsiyentong saklaw ng mga bangko.

Bukod sa pagbibigay ng maliliit at karaniwang walang kolateral na pautang, naghahatid din ang mga microfinance NGO ng financial literacy, pagsasanay sa pagnenegosyo, mga programa sa pag-iipon, microinsurance, at mga programang pangkaunlaran ng komunidad para sa mahihirap at mababa ang kita na mga Pilipino.

Sa pamamagitan ng mga serbisyong ito, natutulungan ang kanilang mga kliyente na makapagtayo ng negosyo, mapangasiwaan ang mga panganib sa kabuhayan ng pamilya, at makabuo ng mas matatag at pangmatagalang pinagkakakitaan.

Bago mahalal sa Senado, nakipagtulungan si Aquino sa mga microfinance non-government organization (MFI-NGO) bilang social entrepreneur. Kabilang sa kanyang naging karanasan ang pagsuporta sa mga programang pangkabuhayan at pagpapaunlad ng maliliit na negosyo upang matulungan ang mga pamilya na madagdagan ang kanilang kita.

Sa kanyang unang panunungkulan bilang chairperson ng Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, si Aquino ay tumayong sponsor at co-author ng Republic Act No. 10693 o ang Microfinance NGOs Act.

Nagbibigay ang batas ng mga insentibo sa mga MFI-NGO upang maipagpatuloy nila ang pagtulong sa mga Pilipino na makaahon sa kahirapan hindi lamang sa pamamagitan ng pautang kundi pati ng financial literacy, pagsasanay sa kabuhayan, at entrepreneurship training. Ipinagkakaloob din nito sa mga MFI-NGO ang suporta at mga insentibong kailangan nila, kabilang ang access sa mga programa at proyekto ng pamahalaan, technical assistance, at tax exemptions. Ernie REyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here