MANILA, Philippines – SINAGOT ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang nagba-viral ngayon na video sa social media kung saan kitang-kita na pinaulanan siya ng masasakit na salita. sinigawan at pinagmumura ng mga pinoy sa Vancouver, Canada kung saan kasama siya sa working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“So, may mga ganyan tao. Alam mo, may freedom of expression tayo pero hindi naman kailangan na maging bastos. Pilipino kayo, hindi naman ganyan ang ugali ng mga pilipino eh.,” ang sinabi ni Castro.
Ayon kay Castro, nangyari ang insidente nang aniya’y kasama niya si PCO Director Robertson Ramirez na gagawa ng Reels para sa event kung saan bumisita ang Pangulo sa Canada.
“So, gumagawa kami ng Reels tapos may lumapit sa amin na filipino. So, ngumiti ako. Tinanong niya ako, ako si Usec. Claire.. sabi ko Yes.at doon sinasabi niya na.. sumigaw na siya .. “you ask your President to resign.” So, kinuyog na kami samantalang kung tutuusin kami nagta-trabaho. hindi kami nagbabakasyon dito. We’re just doing our job. pero nahinto iyon. Hindi na kami nakapagtapos ng aming pag-shoot, ng Reels dahil nga may mga filipino na ganito ang ugali. pero hindi ko alam kung saan sila grupo pero ung naratibo nila, yung tipo na BBM resign, yung naratibo nila ay maleta, ung naratibo nila eh magnanakaw,” ang litaniya ni Castro.
“So, at sinabihan ako ng pangit at sinungaling. So, nung sinabi nila na pangit daw ako.. feeling ko sila iyong sinungaling,” ang dagdag na pahayag nito.
Inamin ni Castro na noong naramdaman aniya niya na sunod na ng sunod sa kanila ang mga pinoy na walang humpay na sinisigawan siya at pinagmumura ay bahagyang nakaramdam siya ng takot.
“At that time kasi dalawa lang kami ni Director Robertson kasi siya nga ung kumukuha sa akin, siya kumbaga iyong.. siya ang may hawak ng camera. So, threaten.. siguro in a way kasi dalawa lang kami. hindi ko alam kung mananakit sila or what kasi parang siguro ung grupo naman nila parang.. kung sino man ang iniidolo nila parang sanay sa bayolente. yng pagiging bayolente. So, hindi namin alam,” ang sinabi ni Castro.
Mabuti na lamang aniya ay mga police officers nang sil ay tumawid na.
“Thank God na pagtawid kasi namin.. hindi namin alam na may mga police officers. So, pagtawid namin. So, kinausap na namin sila kasi sumusunod sila eh. d ba?,” aniya pa rin.
Kaya nga ang pahabol na salita ni Castro para sa mga pinoy na nambastos sa kanila ay “Kung ganyan talaga ang magiging ugali ng mga pilipino ., hindi kayo uunlad. So, kawawa pa rin kayo.” KRIS JOSE