Home METRO 18 indibidwal na wanted sa iba’t ibang kaso sa CaMaNaVa area, arestado

18 indibidwal na wanted sa iba’t ibang kaso sa CaMaNaVa area, arestado

2
0

MANILA, Philippines – NAARESTO ng mga awtoridad ang 18 indibidwal na pawang wanted sa mabibigat na kaso sa operasyon sa magkahiwalay na lugar sa CaMaNaVa area.

Kabilang sa mga nadakip ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili ang limang kelot na nasa edad 19, hanggang 24 na may nakabimbing warrant of arrest sa Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 180 para sa kasong Murder ng walang inilaang kaukulang piyansa.

Nakorner ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD ang mga pusakal na pawang mga residente ng Malabon City sa kanilang hideout sa Brgy. Kaunlaran, Caloocan City.

Tatlo pang akusado sa kasong Murder, isa rito ang 23-anyos na barbero, isang SK Kagawad, at 24-anyos na tambay, na pawang may warrant of arrest sa magkahiwalay na korte sa Malabon City ang natimbog ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Brgy. Potrero.

Nadakip naman ng Malabon police Sub-Station 6 ang 43-anyos na pugante na may kasong paglabag sa ilegal na droga nang inguso ng impormante sa pinagtataguang lugar sa Brgy. San Agustin habang ang 41-anyos na helper na may warrant of arrest sa kasong Robbery sa Rosario, Batangas RTC Branch 87 ay nadakip ng Valenzuela police Sub-Station-8 sa Brgy. Ugong, sa naturang lungsod.

Apat pang mga wanted na indibiduwal na sangkot sa iba’t-ibang kaso ng Sexual Assault at Acts of Lasciviousness ang naaresto rin sa magkakahiwalay na lugar sa CaMaNaVa. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here