Home METRO Pampaputing may mataas na mercury content, ibinabala ng enviromental group

Pampaputing may mataas na mercury content, ibinabala ng enviromental group

3
0

CAGAYAN DE ORO, Philippines – Nagbabala ang environmental group na BAN Toxics  laban sa patuloy na pagbebenta ng mga ipinagbabawal na skin-lightening product na may mataas na mercury sa mga beauty shop sa Cagayan de Oro City. 

Sa kanilang market monitoring, bumili sila ng 11 produkto mula sa 6 na shop sa Cogon at Carmen markets na nagkakahalaga ng P60 hanggang P330.

 Sa pagsusuri gamit ang XRF analyzer, lumabas na ang mga ito kabilang ang Goree, 88 Underarm, Erna, at Collagen Plus creams  ay may mercury na 510 ppm hanggang 78,000 ppm, na mas mataas nang malaki sa 1 ppm limit ng DENR, Minamata Convention, at ASEAN Cosmetic Directive. Ipinagbawal na ng FDA ang mga produktong ito simula 2013.

Hinimok ng BAN Toxics ang publiko na huwag bumili ng mga ito at ang mga tindahan na itigil ang pagbebenta. Nagreklamo rin sila sa FDA sa pamamagitan ng eSumbong Portal at nanawagan ng mas mahigpit na enforcement, border control, at regulasyon sa mga importer at seller. Ayon kay Thony Dizon ng BAN Toxics, hindi matitigil ang bentahan hangga’t hindi binibigyang-prayoridad ng gobyerno ang kalusugan at kaligtasan.

Ayon sa mga pag-aaral, mapanganib ang mercury sa SLPs dahil maaari itong magdulot ng rashes, skin discoloration, at pinsala sa mata, baga, bato, at nervous system. Maaari rin itong makaapekto sa ibang miyembro ng pamilya. 

Noong Hunyo, nakapagtala rin ang grupo ng parehong iligal na produkto sa Surigao, Butuan, at Davao City. Panawagan ng BAN Toxics sa mga LGU na ipatupad ang FDA advisories at magsagawa ng monitoring at confiscation, habang patuloy nilang itutulak ang mas mahigpit na proteksyon sa konsyumer. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here