MANILA, Philippines – Inamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na labis siyang nag-aalala na ang kanyang magiging successor ay maaring gumawa ng ibang approach o diskarte sa paghawak sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan na maging ‘consistent’ sa pagprotekta at pagdepensa sa WPS.
Binigyang diin pa rin ng Chief Executive ang kahalagahan na pagtibayon ang 2016 arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas laban sa Tsina kaugnay sa long-standing maritime disputes.
“Well, of course, it’s a very important issue for the Philippines, if you’re asking me if I’m worried that the policy of the Philippines will change after I leave office, of course, I am. Because it’s almost, not quite, but it’s almost an existential issue for us,” anito.
“So we really have to be consistent in that. And I think the rightness in our positioning, in terms of the way we position the Philippines in our foreign policy vis-à-vis the arbitral agreement, arbitral award is validated by countries like Canada [that] support it and see it as simply an enforcement of international law and the defense of our territorial integrity and the exercise of our sovereign rights within our sovereign territory,” aniya pa rin.
Matatandaang, noong 12 Hulyo 2016, nagtagumpay ang Pilipinas sa makasaysayang kaso sa Permanent Court of Arbitration (PCA) laban sa Tsina kaugnay sa ating mga karapatan sa West Philippine Sea.
Nagbigay-daan ang desisyong ito sa pagtataguyod ng pansoberanyang mga karapatan ng Pilipinas sa ating exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf.
Ang 2016 Arbitral Award ng PCA ay isang desisyon na ibinaba ng Tribunal sa ilalim ng Annex VII ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Ang desisyon na ito ay pabor sa Pilipinas laban sa China kaugnay sa ating mga karapatang maritima’t pangsoberanya sa West Philippine Sea.
Mahalaga ang Arbitral Award dahil kinilala ng Tribunal ang karapatang pangsoberanya ng Pilipinas sa ating exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf na sakop ng UNCLOS. Sinabi rin ng Tribunal na walang legal na basehan ang pag-angkin ng China sa mga bahagi ng West Philippine Sea na sakop ng kanilang tinatawag na “nine-dash line.”
Iyon nga lamang, paulit-ulit na sinabi ng Tsina na ‘di nila tinatanggap ang arbitration na inisyatibo ng Pilipinas. Ayon sa China, wala umanong jurisdiction ang Tribunal sa isyung ito. Ngunit, ayon sa UNCLOS, kahit na hindi lumahok ang isang partido, pwedeng magpatuloy ang Tribunal sa pagdedesisyon base sa merito ng kaso.
Ayon sa Tribunal, walang legal na basehan ang “nine-dash line” ng China na mag-angkin ng mga maritime rights sa loob ng West Philippine Sea. Ang mga historical rights na sinasabi ng China ay hindi kinikilala sa ilalim ng UNCLOS at ‘di pwedeng maging basehan ng kanilang pag-angkin. (KRIS JOSE)