Bagama’t lumipas na ang buwan ng Hunyo, nananatili ang diwa ng PRIDE sa mga Las Piñeros sa pamumono ng Villar Foundation bilang pagdiriwang ng pagmamahal, paggalang, pagkakapantay-pantay, at pagtanggap, nadapat isabuhay sa bawat araw.
Dalawampunong barangay ng Las Pinas ang nakiisa sa pride parade at sa taunang Bb Bahaghari Awards na ginanap niyong July 4 Villar Foundation Complex.
Kasama ding binigyan ng parangal ang mga natatanging myembro ng LGBTQIA+ ng Las Piñas na nagbigay ng kontribusyon sa ibat ibang sektor ng lipunan sa taunang PRIDE AWARDS na dinaluhan ni dating Senador Cynthia Villar, kasama sina Senator Camille Villar at Senator Mark Villar.
Nagwagi naman si Binibining Bahaghari Queen Honey Manzano ng Brgy Ilaya; 1st Runner-up Francine Erich Arcilla ng Brgy Talon 4; at 2nd Runner -up Jang Lupangco ng Brgy Manuyo Dos. RNT