VENEZUELA – Umakyat na sa 3,342 ang bilang ng mga nasawi sa twin earthquakes sa Venezuela, batay sa datos na inilabas ng Venezuelan information ministry nitong Linggo.
Ayon sa ministeryo, umabot na rin sa 16,470 ang nasugatan, habang tumaas sa 17,345 ang bilang ng mga nawalan ng tirahan matapos ang mga lindol noong Hunyo 24.
Mas maaga nitong Linggo, sa talumpati para sa ika-215 independence day ng Venezuela, ipinagtanggol ni interim President Delcy Rodriguez ang naging tugon ng pamahalaan sa gitna ng lumalaking pagkadismaya ng publiko sa umano’y mabagal at hindi sapat na aksyon matapos ang kalamidad.
Sinabi ni Rodriguez na agad niyang ipinakalat ang security forces matapos ang mga lindol. Inanunsyo rin niya ang pagbuo ng bagong military unit na tutulong sa pagtugon sa mga emergency at disaster. Dave Baluyot