Home HOME BANNER STORY PBBM itinanggi kinalaman sa flood control scam: Ba’t ko sisirain racket ko?

PBBM itinanggi kinalaman sa flood control scam: Ba’t ko sisirain racket ko?

3
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga paratang na may kinalaman siya sa flood control corruption scandal, kasabay ng pagsasabing siya mismo ang naglantad ng isyu at nagsimula ng aksyon ng pamahalaan hinggil dito.

Sa panayam sa mga reporter sa Vancouver, Canada nitong Sabado, habang tinatapos ang kanyang apat na araw na official visit, sinabi ni Marcos na hindi mabubunyag ang kontrobersiya kung hindi niya ito binanggit sa kanyang State of the Nation Address noong 2025.

“I’m the one who exposed all of this, and I’m the only one that has started to do anything about this,” ani Marcos.

Nagdulot ang isyu ng malawakang protesta at panawagang patalsikin si Marcos sa puwesto. Ngunit iginiit ng Pangulo na nabigo ang mga nakaraang administrasyon na aksyunan ang mga anomalya sa flood control.

“Meron ba silang kinulong? Meron ba silang na-freeze na account? Meron ba silang mga imbestigasyon na ginawa? Wala. Sa akin lang,” ani Marcos.

“Tapos sasabihin, ako daw ang may kagagawan. Eh kung talagang racket ko yun, ba’t ko sisiraan yung racket ko? Di ba? That makes absolutely no sense,” dagdag pa niya.

Ayon kay Marcos, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pamahalaan. Binanggit din niya na noon pang 2018 ay nagbabala na si dating Camarines Sur 1st District Rep. Rolando “Nonoy” Andaya Jr. hinggil sa umano’y P300-billion flood control mess.

“Unfortunately, the more we look, the more we find,” ani Marcos.

Sinabi rin ni Marcos na kinilala noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may korapsyon sa flood control, ngunit walang napapanagot.

“So I guess that was left up to me to do. And so we are still doing it. We’re still working on it,” pahayag ni Marcos.

Inilarawan niya ang kontrobersiya bilang isang “deep-seated system of corruption” na nangangailangan hindi lamang ng structural reforms kundi pati ng pagbabago sa pananaw at asal.

Hinggil naman sa posibilidad na gawing state witness si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan sa mga kaso kaugnay ng flood control, sinabi ni Marcos na nakasalalay ito kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

“If he feels that the former Secretary Manny Bonoan will be helpful to the cases with the other people then again, to use the word again, it is his prerogative,” ani Marcos.

“I have complete faith in the Ombudsman and what he’s doing.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here