MANILA, Philippines – Nagdaos ng caucus ang mga senador ng mayorya nitong Lunes, Hulyo 6, ilang oras bago ang pagbubukas ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Kabilang sa mga isyung pag-uusapan ay ang posibleng pagtatalaga ng presiding officer sa paglilitis.
“We’ll make a decision. It’s a caucus,” sinabi ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri.
Nakatakdang mag-convene bilang impeachment court ang Senado alas-2 ng hapon.
Bago nito ay kinumpirma ni Senate President Sherwin Gatchalian na siya ang mangunguna sa impeachment trial.
Ani Lacson, naunang nagkasundo ang mga miyembro ng majority bloc na ilagay si Senador Francis Escudero bilang presiding officer.
“Like I said, nasa rules natin na Senate President and magpe-preside,” sinabi ni Gatchalian. RNT/JGC