Ang abogado ng depensa na si Atty. Nakipag-usap si Michael Poa sa mga mamamahayag sa Senado ng Pilipinas noong Huwebes, Hunyo 25, 2026, habang nagbibigay siya ng update sa nagpapatuloy na pre-trial proceedings sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. CESAR MORALES
MANILA, Philippines – Ang personal na pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial ay nakadepende sa magiging takbo ng paglilitis, ayon kay defense spokesperson Atty. Michael Poa nitong Lunes, Hulyo 6.
Tumangging kumpirmahin ni Poa kung personal na haharap si Duterte sa Senate impeachment court.
“Hindi ko na muna siguro sagutin ‘yan dahil ayaw natin na muna sa headline ang attendance ng Vice President. Hintayin na lang natin mamaya, ilang oras na lang, and then siguro dapat ang maging focus ay talagang iyong mga proceedings ng unang araw ng impeachment,” ani Poa.
Ang pahayag ni Poa ay kasunod ng pagsasabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naniniwala siyang dapat na personal na dumalo si Duterte sa impeachment court at iginiit na kung siya ang nasa posisyon nito ay pipilitin nitong dumalo.
Ayon sa kampo ni Duterte, nirerespeto umano nila ang opinyon ng Pangulo.
“Unang-una sa lahat, iginagalang naman natin ang opinyon ng Pangulo. Although sa atin, focus lang tayo sa sarili nating defense. Kung ano man ang nagiging payo ng defense team sa ating VP⦠that’s privileged information.”
Iginiit din ni Poa na hindi obligadong personal na dumalo si Poa sa paglilitis.
“Attendance ng ating VP, meaning physical attendance, that will depend on the course of the trial kung sa tingin namin kinakailangan. So sa tingin ko kailangan malaman ng taong bayan na talagang walang requirement pagdating sa attendance ng VP, meaning physical attendance,” aniya.
Tumutugon umano si Duterte sa mga alegasyon laban sa kanya sa pamamagitan ng legal team nito habang itinutuloy ang kanyang trabaho bilang Bise Presidente.
“Ang sinasabi naman natin, siyempre ang VP kahit may impeachment laban sa kanya, tuloy-tuloy lang ang trabaho. Ever since naman, ganyan lang talaga ang disposition ng VP. Whatever ibato sa kanya, trabaho lang.”
“Tayo naman ready lang tayo kung ano man ang mangyari, whether preliminaries or magkaroon ng first witness mamayang hapon. Tayo naman sa defense we’re always ready and we’ve been ready for this trial na medyo matagal ng panahon.”
Nang tanungin naman tungkol sa hakbang na paikliin pa ang paglilitis, sinabi ni Poa na ikinokonsidera ng depensa na katanggap-tanggap ang proposal na ito.
“Reasonable naman tayo. I don’t think any of the parties, whether it be the prosecution or defense, gugustuhin na humahaba itong trial na ito.”
Anila, susuriin muna nila ang ebidensya ng prosekusyon bago magdesisyon kung kailangan nitong magpresenta ng witness o documentary evidence.
Iginiit din ni Poa ang posisyon ng depensa sa witness examination na dapat ay isang abogado lamang ang magtatanong sa bawat witness at ang public prosecutors, hindi ang private prosecutors, ang magsasagawa ng direct examination sa mga witness ng prosekusyon. RNT/JGC