Home NATIONWIDE Iloilo police, IMEG iniimbestigahan ng PNP sa pagbabanta sa ilang sibilyan

Iloilo police, IMEG iniimbestigahan ng PNP sa pagbabanta sa ilang sibilyan

2
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang full audit ng istasyon ng pulis sa Iloilo City at pagsusuri ng operasyon ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) kasunod ng mga report ng pagbabanta sa ilang sibilyan.

“We are conducting a thorough and impartial investigation into the reported incident at the Iloilo police station,” saad sa pahayag ni PNP chief Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Lunes, Hulyo 6.

“If any operative is found to have compromised civilian safety or exceeded their authority, we will ensure that accountability is swift and follows due process,” dagdag pa niya.

Sa inisyal na imbestigasyon, nilusob ng mga operatiba ng IMEG ang Iloilo City Police Station 4 sa Molo noong Hulyo 1 para hanapin ang dinismiss na pulis na wanted sa kasong murder.

Sa operasyon ay dinisarmahan umano ng mga tauhan ng IMEG ang mga station officer at inutusan ang mga ito na dumapa, isuko ang mga cellphone, kasabay ng pagtutok ng mga armas sa mga sibilyan na nagsisilbing witness sa nagpapatuloy na buy-bust operation.

Wala sa istasyon ang na-dismiss na officer ngunit kalaunan ay sumuko sa PRO-6.

Inatasan na ni Nartatez ang PRO-6 na beripikahin ang mga report na nagsasabing regular na nakikita sa Station 4 ang na-dismiss na pulis at patuloy na paglahok sa mga operasyon sa kabila ng pagkakaalis nito sa serbisyo.

“We do not tolerate any station harboring or utilizing rogue elements, and those reports are being validated with the utmost seriousness,” ani Nartatez. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here