MANILA, Philippines – May mga pahiwatig umano ang ilang maliliit na negosyante sa ipatutupad na dagdag sahod ng mga minimum wages earned.
Sinabi ni Labor Secretary Francis Tolentino na kinausap siya para magpa-exempt o hindi mapasama sa P85.00 na dagdag sahod.
Ayon kay Tolentino, inabisuhan niya ang mga ito na magpasa ng mga kinakailangan dokumento para maging exempted sa ipapatupad dagdag umento.
Bukod dito, sinabi ng kalihim na dapat rin na ang mga maliliit na negosyo ay mayroon lamang na P3 milyon na puhunan pababa.
Paliwanag pa ni Tolentino, maaari naman maglabas ng desisyon ang DOLE sa mga micro, small and medium entreprises (MSMEs) kung hindi talaga kaya at hindi sapat ang kita.
Muli naman nanindigan ang kalihim na ang ipinatupad na dagdag sahod ay naaayon sa batas o RA 6727 at kanila lamang sinusunod ang mga nakapaloob dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden