Home ENTERTAINMENT Jaime Yllana, may reax sa pagkatalo ng ama sa Eat Bulaga!

Jaime Yllana, may reax sa pagkatalo ng ama sa Eat Bulaga!

3
0

Manila, Philippines – Inasahan nang malungkot si Jaime Yllana sa naging desisyon ng Branch 279 ng Mandaluyong City RTC sa kaso ng amang si Anjo Yllana na isinampa ng TVJ Productions.

Talo nga kasi ang erpat niya’t pinagbabayad pa ng P3.5M bilang danyos.

Si Jaime ang only son ni Anjo sa dating nakarelasyong si Jacqui Manzano.

Ang TVJ Productions ang producer ng 47-year-old noontime show na Eat Bulaga.

Sabit si Anjo dahil sa mga umano’y paninirang-puring pahayag niya sa TikTok laban sa EB kung saan nagsilbi siyang co-host.

Sa exclusive interview ng PEP kay Jaime, feeling niya’y posible itong makaapekto sa kanya.

Baka daw isipin ng publiko na iisa ang opinyon nilang mag-ama, at suportado pa niya ang ama sa mga pahayag nito.

Ani Jaime: “We’re two different people…may iba’t iba kaming ginagawa sa buhay.”

The least that he can do daw ay gabayan ang kanyang ama: “Bago pa lang ako sa showbiz, and I need to make a name for myself.”

Gusto daw ni Jaime na makilala bilang isang mabuting tao.

Wala din daw siyang kinalaman sa mga naging pahayag ng ama laban sa TVJ–na nirerespeto niya.

“Kung anuman ang meron sila, labas ako doon. I treat the EB hosts as tito and tita,” ani Jaime who grew up being taken care of by the EB hosts whenever dadalhin siya ng ama sa studio nito.

Nilinaw ni Jaime na wala siyang galit sa mga ito: “I treat them like family, no different from my father.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here