Home OPINION IMPEACHMENT PANTAKIP SA KORAPSYON

IMPEACHMENT PANTAKIP SA KORAPSYON

2
0

NAGSIMULA na ang pagdinig sa kasong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

May apat na paglabag sa Konstitusyon at batas umano si VP Sara at dapat matanggal sa pwesto.

Ayon sa mga nagsusulong ng impeachment, maaaring aabot umano sa 6-8 buwan ang paglilitis sa rami ng mga testigo, dokumento at iba pang mga ebidensya na ilalabas ng magkabilang panig.

Aabot sa 6-8 buwan dahil sisingit-singit ang usapin ng pambansang badyet na dapat ding mabigyan ng pansin hanggang sa katapusan ng taon.

Ngunit alam ba ninyo na ang mayorya sa Senado at Kamara ngayon ay hindi man lang binabanggit ang pagpapatuloy o pagsingit din ng imbestigasyon ng pinakamalaking korapsyon sa kasaysayan ng Pinas, lalo kaugnay ng flood control?

Tanging ang nagpupumilit na imbestigahan ang korapsyon ay ang minorya sa Senado at Kamara.

Ang masaklap, unti-unti ngunit mabilis nilang pinaparalisa ang minorya sa Senado gaya ng pagpapakulong nang maaga kay Senador Jinggoy Estrada at balak ding pagpapakulong kay Senador Rodante Marcoleta.

Isinusulong din ng kapakner ng mayorya sa Palasyo at Kamara ang pagpapakulong din sa The Hague ng ilang senador.

At kung makulong lahat ang mga senador na nagpupursigi sa imbestigasyon sa korapsyon, lalong hindi muling mauungkat ito.

Gayunman, hindi na mababaon sa limot ang mga testimonya ng mga tao na nagpapatotoo sa matinding korapsyon.

Kasama sa mga nakapagtanim na ng katotohanan sa korapsyon ang mga dating sundalo, si dating kongresman Zaldy Co, Kong. Leandro Legarda-Leviste, mga kontraktor na kagaya ni Curlee Discaya na nagsabing may 150 kongresman ang nangikbak sa kanya na dapat mailabas sa publiko at maging ang mga saksi ngayon sa mga kasong dinirinig ng Sandiganbayan.

Kung hindi na muling bubuksan ang usapin ng korapsyon na naging malaking sumpa sa buhay, ari-arian at kinabukasan ng higit na nakararaming Pinoy, hindi makaliligtas sa karma ang sinomang magsasara ng pintuan ng imbestigasyon dito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here