Home OPINION VLOGGING WHILE DRIVING AT ANTI-DISTRACTED DRIVING ACT

VLOGGING WHILE DRIVING AT ANTI-DISTRACTED DRIVING ACT

2
0

SUPORTADO ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang inilabas na Memorandum Circular 2026-050 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board kung saan pinaalalahanan ang mga driver ng mga public land transport na sundin ang batas na Anti-Distracted Driving Act at ang mga kondisyon sa ilalim ng prangkisa na ipinagkaloob sa kanila.

Sabi nga ni LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza na “If you vlog, don’t drive”.

Ang hakbang na ito ay para rin sa iwas aksidente at kaligtasan ng mga pasahero, driver at ng publiko.

May mga pumalag dito na sinasabing ang pagba- vlog ay sakop ng freedom of speech ng drivers. Tama naman. Pero wala namang sinasabi ang ltfrb na bawal ang vlogging. Huwag lang while driving lalo na may mga pasaherong nakasakay.

Dapat ay alam ng vlogger – drivers ang batas upang sa kanilang ginagawang pagba-vlog ay walang mapinsala o maperwisyo.

Para sa mga vlogger-driver at kahit hindi vloggers, dapat alam nilang bawal ang paggamit ng mobile phone o anomang communication device upang magsulat, magpadala ng mensahe, o magbasa ng text message o tumanggap ng tawag at mga kaparehong gawain kapag nagmamaneho.

Hindi rin dapat gumamit ng electronic entertainment or computing device upang maglaro, manood ng pelikula o anomang programa, mag-surf sa internet, gumawa ng mensahe, magbasa ng e-book, at mga katulad nitong gawain habang nagmamaneho.

Gayunman, nakasaad sa Section 5 ng Republic Act 10913 ang “The operation of a mobile communications device is not considered distracted driving if done using a hands‑free function or similar device — such as, but not limited to, speakerphone, earphones, microphones, or other accessories — that allows making/receiving calls without holding the device.”

Pero dapat ang device o hands-free accessory ay hindi sagabal sa paningin ng driver bukod pa sa ito ay para sa lahat ng klase ng sasakyan mula pampubliko, pribado, gobyerno, diplomatiko at iba pang klase tulad ng construction equipment.

Pwede ring gumamit ng gadget pero kapag may emergency lang. Paano naman kung nakaparada ang sasakyan?

It does not apply to motorists or motor vehicles which are not in motion, except those which are stopped momentarily at a red light, or are pulled over the side of the road in compliance with traffic regulations.

Kaya, pwedeng mag-vlog basta hindi nagda-drive o gumagamit ng hands-free device?

Maaari o pwedeng mag-vlog pero tandaan basta hindi lang ang ANTI-DISTRACTED driving law ang dapat sundin pati rin ang mga condition sa franchise bilang public transport.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here