Home NATIONWIDE Huling 3 Pinoy crew ng barkong sinamsam sa Iran, nasa Pinas na

Huling 3 Pinoy crew ng barkong sinamsam sa Iran, nasa Pinas na

2
0

MANILA, Philippines – Nakauwi na sa Pilipinas nitong Lunes ang huling tatlong Filipino crew members ng MV Epaminondas na sinamsam ng Iranian forces, kaya kumpleto na ang repatriation ng lahat ng 10 Pilipinong sakay ng Liberia-flagged container vessel halos tatlong buwan matapos itong masangkot sa security incident sa Strait of Hormuz.

Ayon sa Department of Migrant Workers, dumating ang tatlong seafarers sakay ng Qatar Airways flight sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City.

“Their safe return was made possible through the close coordination of the shipowner, the agency, and the DMW,” pahayag ng kagawaran sa isang social media post.

Sinalubong sila ng kanilang mga pamilya, mga opisyal ng DMW, Overseas Workers Welfare Administration, Manila International Airport Authority, at mga kinatawan ng kanilang licensed manning agency.

Sinabi ng DMW na tumanggap ang mga seafarers ng financial at medical assistance mula sa DMW at OWWA pagdating nila sa bansa. Naglaan din ang kanilang agency ng temporary hotel accommodation.

“They will also undergo further medical and psychosocial assessments to help support their recovery, well-being, and reintegration after their difficult experience,” dagdag ng DMW.

Ayon sa kagawaran, ang tatlo ang huling Filipino crew members na nabigyan ng clearance ng Iranian military authorities para makababa sa barko. Pumalit sa operasyon ng barko ang replacement crew members mula Russia, Sri Lanka, at Ukraine.

Nasangkot ang MV Epaminondas sa security incident noong Abril 22 habang sinusubukang lumabas sa Persian Gulf sa pamamagitan ng Strait of Hormuz.

Nauna nang naiuwi sa bansa ang unang pitong Filipino crew members ng Liberian-flagged vessel sa tatlong magkakahiwalay na batch noong Hunyo. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here