Home HOME BANNER STORY Inflation bumagal sa 6.4% sa Hunyo sa pagbaba ng fuel prices

Inflation bumagal sa 6.4% sa Hunyo sa pagbaba ng fuel prices

3
0

MANILA, Philippines — Bumagal sa 6.4 percent ang inflation noong Hunyo matapos bumaba ang presyo ng fuel kumpara sa mga nakaraang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authority nitong Martes.

“The downtrend in the overall inflation in June 2026 was primarily brought about by the slower annual increase in the transport index at 12.8 percent during the month from 16.2 percent in May 2026,” ayon sa PSA.

Bumagal din ang food inflation sa 5.4 percent noong Hunyo mula sa 5.8 percent noong Mayo.

Ang June inflation rate ay pasok sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 6 hanggang 7 percent, at nagdala sa average inflation sa unang kalahati ng taon sa 3.8 percent.

Gayunman, tumaas ang core inflation, na hindi kabilang ang food at energy items na madaling magbago ang presyo, sa 4.4 percent noong Hunyo mula sa 4.1 percent noong Mayo. Noong Hunyo 2025, mas mababa ang core inflation rate sa 2.2 percent.

Sinabi ng Department of Economy Planning and Development na ang paghupa ng inflation pressures ay nagpapakita ng pagbuti ng global conditions at epekto ng mga hakbang ng pamahalaan, kabilang ang targeted assistance para sa farmers, fisherfolk, at transport service providers, gayundin ang pagtanggal ng toll fees para sa mga sasakyang nagdadala ng agricultural produce.

“If we want stable prices, we need a stable food supply,” pahayag ni DEPDev Secretary Arsenio Balisacan.

Sinabi rin ni Balisacan na layunin ng pamahalaan na mabawasan ang epekto ng weather shocks, gaya ng malakas na El Nino, sa ekonomiya. Binanggit din niya ang plano ng pamahalaan na magtatag ng strategic petroleum reserve kasama ang Japanese government.

“Our goal is not only to bring inflation down but to keep it low and stable. That requires stronger food production, more efficient supply chains, and greater resilience to climate and other shocks,” ani Balisacan.

Nauna nang sinabi ng Bank of the Philippine Islands na inaasahan nitong bahagyang huhupa ang inflation noong Hunyo dahil sa pagbaba ng Dubai crude prices at pagsisimula ng harvest season para sa bigas.

Bahagyang bumagal ang inflation sa 6.8 percent noong Mayo mula 7.2 percent noong Abril, ngunit nanatili itong mas mataas sa 2 hanggang 4 percent target ng economic managers.

Isinisi ang pagsirit ng inflation mula Marso sa pagtaas ng presyo ng langis matapos ang US-Israeli attacks sa Iran. Ayon sa mga analyst, kahit inaasahang magiging normal ang oil shipping sa Strait of Hormuz, maaaring abutin ng ilang buwan bago bumalik ang fuel prices sa pre-Mideast war levels.

Kamakailan ay nirebisa ng cabinet-level Development Budget Coordination Committee ang average inflation forecast nito para sa taon sa 6 hanggang 7 percent. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here