Home HOME BANNER STORY NDRRMC, heightened alert sa papalapit na Super Typhoon Bavi sa PAR

NDRRMC, heightened alert sa papalapit na Super Typhoon Bavi sa PAR

3
0

MANILA, Philippines — Naka-heightened alert na ang operations center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at ang 44 member agencies nito bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Bavi.

Ayon sa PAGASA, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang Bavi Martes ng gabi o Miyerkoles ng madaling araw at tatawagin itong Inday.

Dakong alas-3 ng madaling araw nitong Martes, namataan ang Bavi sa layong 2,010 kilometro silangan ng Central Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 195 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 240 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 30 km/h.

Sa isang interbyu, sinabi ni Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, deputy administrator ng Office of the Civil Defense, na mino-monitor na nila ang Bavi mula pa noong weekend at inatasan na ang member agencies na maghanda.

“So, tuloy-tuloy, naka-heightened alert na ang ating NDRRMC operations center at nakaantabay ang lahat ng miyembro nito, 44 agencies ito,” pahayag niya.

Sinabi ni Alejandro na binabantayan din nila ang pinalakas na southwest monsoon o habagat, na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa western seaboards ng Regions 1 hanggang 4B, partikular sa Palawan.

Samantala, sinabi ng Department of Social Welfare and Development na isinailalim na rin sa high alert ang disaster response units nito bago ang inaasahang pagpasok ng Bavi sa PAR.

Batay sa pinakahuling Disaster Response Operations Monitoring, Information, and Communication report, mayroon nang 4.775 milyong family food packs ang DSWD na naka-preposition sa buong bansa nitong alas-6 ng umaga noong Lunes, na nagkakahalaga ng mahigit PHP3.009 bilyon.

Mayroon din ang DSWD na 364,283 ready-to-eat food boxes at 271,446 non-food items na nakahanda para sa agarang pamamahagi sa mga maaapektuhang indibidwal at pamilya.

Kasunod ito ng direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking nakaposisyon na ang mga food packs at non-food items bago pa man tumama ang anumang kalamidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here