Home NATIONWIDE Missile test-fire ng Tsina sa Pacific, pinalagan ng Japan, Australia, N. Zealand

Missile test-fire ng Tsina sa Pacific, pinalagan ng Japan, Australia, N. Zealand

3
0

MANILA, Philippines – INULAN ng batikos at pangamba mula sa mga karatig-bansa tulad ng Japan, Australia, at New Zealand ang ginawang missile test-fire ng militar ng Tsina sa Karagatang Pasipiko.

Nagsagawa ang Tsina ng isang missile test-fire mula sa kanilang nuclear-powered submarine patungo sa Karagatang Pasipiko noong Lunes, Hulyo 6.

Inilunsad ang missile dakong 12:01 ng hapon. Isinagawa ito ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) gamit ang isang nuclear submarine.

Sinasabing naglalaman ang missile ng isang dummy warhead.

Bumagsak ang missile sa international waters sa Pasipiko na itinalaga bilang designated area, bagama’t walang inilabas na detalye ang Tsina ukol sa eksaktong lokasyon ng pinagbagsakan nito.

Ayon sa report, ang missile launch ng Tsina ay isang routine arrangement lamang para sa kanilang taunang military training. Nilinaw din ng kanilang pamahalaan na ang pagsasanay ay hindi nakadirekta sa alinmang bansa o partikular na target.

Ginawa ang missile test ilang oras lamang matapos lumagda ang Australia at Fiji sa isang bagong defense alliance. Sa ilalim ng kasunduan, nangako ang dalawang bansa na magtutulungan at susuportahan ang isa’t isa sakaling magkaroon ng anumang banta o pag-atake. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here