Home NATIONWIDE Kung walang itinatago, VP Sara dapat harapin ang impeachment trial — Palasyo

Kung walang itinatago, VP Sara dapat harapin ang impeachment trial — Palasyo

3
0

MANILA, Philippines — Makabubuti para kay Vice President Sara Duterte na personal na humarap sa impeachment court upang sagutin ang mga alegasyon laban sa kaniya kung wala naman siyang itinatago, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ito ang maaaring maging pagkakataon ni Duterte para pasinungalingan ang mga akusasyon, lalo na kung wala naman siyang ginawang mali.

“it is not yet time for Duterte to take the witness stand because the proceedings have yet to reach that stage,” ani Castro.

Hindi dumalo si Duterte sa pagbubukas ng kaniyang impeachment trial noong Lunes, at sinabing “the decision to personally testify is a matter of legal strategy and constitutional rights.”

Gayunman, sinabi ni Castro na ang pagharap sa impeachment court ay magbibigay kay Duterte ng pagkakataong direktang harapin ang mga ebidensiya at testigo laban sa kaniya.

“As a Filipino, and as a lawyer, mas maganda na ang isang tao na naaakusahan ay makaharap niya ‘yung mga witnesses against her,” ayon kay Castro.

“Although alam kong hindi niya tatanggapin ito, hindi tatanggapin ang opinyon ng kahit na sino. Pero mas maganda, kung ako ang lawyer at alam ko na walang mali, malinis, walang pwedeng ikaso sa kanya, papaharapin ko siya para mapasinungalingan lahat ang mga akusasyon sa kanya,” dagdag niya.

Muli ring iginiit ni Castro na maraming trabaho si President Ferdinand Marcos Jr. at hindi siya nakatutok sa impeachment trial ni Duterte.

“Kapag sinabi bang monitoring eh nakatutok, hindi siya ganun. Maraming trabaho ang pangulo… ‘Yung tutok hindi,” ani Castro. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here