Home HOME BANNER STORY Sen. Erwin, magbibitiw ‘pag napatunayang nakinabang sa flood control

Sen. Erwin, magbibitiw ‘pag napatunayang nakinabang sa flood control

5
0

MANILA, Philippines – Handang magbitiw si Senator Erwin Tulfo kapag napatunayang sangkot siya sa maanomalyang flood control. Ito ang sinabi ng senador kasabay ng hamon na maglabas ng ebidensya.

Sinabi ni Tulfo sa pulong-balitaan sa Maynila na kung mapapatunayang nakinabang siya sa pera ng flood control o sabit siya sa iskandalo ay handa siyang magbitiw.

Aniya, maghalukay sila sa DPWH kasama ang tinaguriang Cabral files at kopya ni Cong. Leandro Leviste at ipakita ang mga umano’y patunay.

Nanindigan si Tulfo na wala siyang naging bahagi sa isyu ng flood control mula noong naging kongresista hanggang sa mahalal na senador.

Samantala, sinopla rin ng senador ang 18 bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co sa kanilang joint affidavit.

Giit ni Tulfo, bawat isa dapat ang affidavit para siguradong personal na alam ng nagpakilalang testigo ang kanyang isinisiwalat.

Pinalagan din ni Tulfo ang alegasyon na may cover-up o pinagtatakpan sila sa isyu ng maanomalyang flood control at nilinaw na itutuloy ang pagdinig sa isyu pagkatapos ng State of the Nation Address ni PBBM.

Aniya, inimbitahan nila ang 18 para dumalo sa pagdinig ng Blue Ribbon ngunit mas pinili nilang magpa-press conference sa taas ng gusali ng Senado.

Kailangan pa kasi aniyang ayusin ang membership ng komite at bumuo ng sub-committee na tututok sa flood control.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here