Home LIFESTYLE HEALTH Bilang ng nasawi sa Ebola outbreak sa DR Congo, umabot na sa...

Bilang ng nasawi sa Ebola outbreak sa DR Congo, umabot na sa higit 500

3
0

KINSHASA, DR Congo – Umabot na sa 506 ang kumpirmadong namatay dahil sa Ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo (DR Congo), ayon sa World Health Organization (WHO).

Mula nang ideklara ang outbreak noong kalagitnaan ng Mayo, nakapagtala na ang bansa ng 1,561 kumpirmadong kaso. Sa bilang na ito, 254 na pasyente ang gumaling, habang 354 hinihinalang kaso ang iniimbestigahan pa.

Dalawa ring tao ang namatay sa Uganda, ngunit mas kontrolado na ang sitwasyon doon dahil 16 sa 20 kumpirmadong pasyente ang gumaling.

Pinakamatinding apektado ang Ituri province sa hilagang-silangang bahagi ng DR Congo. Ang outbreak ay dulot ng Bundibugyo strain ng Ebola, na wala pang aprubadong bakuna o gamot.

Nagsimula na rin ang pagsubok sa dalawang posibleng lunas—ang MBP134 at remdesivir—upang malaman kung epektibo ang mga ito laban sa sakit.

Nagbabala si WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na paalala ang Ebola outbreak na nananatiling banta ang mga nakahahawang sakit.

“The next pandemic will not wait for us to be ready.”

Ayon pa sa WHO, mabilis kumalat ang Ebola sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha at pagkakadikit sa mga likido ng katawan ng taong may impeksyon.

Samantala, nakarekober na at nakalabas ng ospital ang isang doktor sa France na nagpositibo sa Ebola matapos bumiyahe mula sa DR Congo.

Ayon sa United Nations, nahihirapan ang pagtugon sa outbreak dahil sa kakulangan ng pondo, mahinang kalinisan sa evacuation sites, at patuloy na kaguluhan sa ilang apektadong lugar. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here