Home NATIONWIDE Maaga pa para sabihing may panalo o talo sa impeachment trial –...

Maaga pa para sabihing may panalo o talo sa impeachment trial – defense

1
0
Ang abogado ng depensa na si Atty. Nakipag-usap si Michael Poa sa mga mamamahayag sa Senado ng Pilipinas noong Huwebes, Hunyo 25, 2026, habang nagbibigay siya ng update sa nagpapatuloy na pre-trial proceedings sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Sinabi ng abogado ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Michael Poa na masyado pang maaga para sabihin kung sino ang panalo o talo sa impeachment trial dahil unang testigo pa lamang ang naiharap at ikalawang araw pa lang ng paglilitis.

Ayon kay Poa, hindi nila binibilang ang panalo o pagkatalo sa bawat araw ng pagdinig. Ito ay tugon matapos sabihin ng House prosecution panel na maituturing nilang tagumpay ang naiprisintang mga ebidensya sa korte.

Sa ikalawang araw ng paglilitis, tinalakay ang Article IV ng Articles of Impeachment, na tumutukoy sa umano’y assassination plot, grave threats, at inciting to sedition laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inulit din ni Poa na maayos ang naging takbo ng impeachment trial sa nakalipas na dalawang araw at handa silang sumunod sa mga pasya ng impeachment court.

Samantala, may grupo ng mga abogado na naghain ng petisyon sa Korte Suprema upang pansamantalang ipatigil ang paglilitis habang dinidinig ang isyu sa awtoridad ni Senate President Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer ng impeachment court.

Nilinaw rin ni Poa na ang pagpunta ni Vice President Duterte sa Senado ay para lamang makipagpulong sa kanyang mga abogado at hindi upang manakot. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here