Home METRO 2 pulis utas sa ambush sa Sultan Kudarat

2 pulis utas sa ambush sa Sultan Kudarat

4
0

SULTAN KUDARAT, Philippines – Patay ang dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Tinumiguis, Lambayong, Sultan Kudarat noong Martes ng gabi, Hulyo 7.

Kinilala ng Sultan Kudarat Police Provincial Office (SKPPO) ang mga biktima na sina Patrolman (PAT) Pagurayan at PAT Bullos, na kapwa nakatalaga sa 1202nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 12 (RMFB 12).

Sakay ng motorsiklo ang dalawang pulis nang tambangan at pagbabarilin umano ng mga suspek na pinaniniwalaang gumamit ng M16 rifle.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin at ang motibo sa pamamaril. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here