Home METRO 2 endangered hornbill nasagip; babae arestado sa GenSan

2 endangered hornbill nasagip; babae arestado sa GenSan

3
0

GENERAL SANTOS, Philippines – Isang 32-anyos na babae ang naaresto matapos ang anti-wildlife trafficking operation sa General Santos City noong Hulyo 6.

Ayon sa DENR-12, nasagip ng mga tauhan ng CENRO General Santos City at General Santos City Maritime Police Station ang dalawang Southern Rufous hornbill sa isinagawang buy-bust operation sa Lote Highway, Lower Acharon, Barangay Calumpang.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Aimae,” residente ng Barangay Bula. Napag-alamang walang kaukulang dokumento ang mga ibon at ang Southern Rufous hornbill ay protektadong wildlife species sa ilalim ng batas.

Inilipat ang dalawang hornbill sa DENR-CENRO GenSan para sa pangangalaga.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act (RA 9147) kaugnay ng Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175).

Muling nanawagan ang DENR-12 sa publiko na huwag manghuli, magmay-ari, o makipagkalakalan ng mga protected wildlife at agad na iulat sa mga awtoridad ang anumang ilegal na aktibidad laban sa mga ito. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here